a walk to remember

a walk to remember
john darrel sacabon

Friday, February 15, 2013

SUNGKA


Habang ang mundo'y umuunlad... ang tao'y di makasabay.. may mahirap... may mayaman... kung mag-DUWELO kaya tayo sa sungka... anu kaya ang mapapala...

ANG KATAHIMKAN NG DAGAT


Ang katahimikan ng dagat na animo'y may katiwasayan... ngunit ang paglalayag ng mangingisda ay puno ng kalungkutan... katulad ng mga isdang tila nakakulong sa BILIBID NG KARAGATAN...

isang takip silim

sa isang bayan ng CAVITE... ang paglubog ng araw ay tila naghahatid ng kagandahan.. habang ang mama'y naghahalukay ng pagtangis ng karagatan... sa araw araw.. sa tuwing dapit hapon ng hanging amihan... ang basura sa dako roo'y humahalik sa labi ng karagatan...

sa bangketa ng C3 ROAD ng KALOOKAN, Pebrero 9, 2013

SA PAGLALARO NG MGA BATA...

Maglalaro ang mga bata... hanggang sa dulo'y may mabubuong pangarap... hanggang ang paglalaro ay magiging isang pangarap... magpapawis.. magpapagod... hanggang ang pagod ay hahabi ng isang pangarap ng isang batang kinalimutan na ang pagkamusmus,,...

MANGGAGAWANG PINTOR


Sa disperas ng araw ng mga puso... habang nagmamahalan ang lahat ng bagay sa paligid... magpapagod ang isang ginoo... kahit sa anung paraan... upang magkakulay naman ang kanyang buhay,,,,

coffee break.. =)

magkape tayo sa nakaka-antok na maghapon... habang nag-iisip... habang hinahatak ng dilim ang liwanag... habang nandirito pa ang ngayon...