a walk to remember

a walk to remember
john darrel sacabon

Thursday, October 9, 2014

Manggagawa ng Parol


Pasko, pasko na naman...
Ang manggagawang naghahabol para makadami ng paggawa ng parol....

sa Las Pinas. Papuntang Zapote

Oktubre 2, 2014.

Wednesday, July 9, 2014

TREN







Ang bilis bilis daw ng pag-unlad. Parang kasing bilis ng Tren.
Pero anong klaseng pag-unlad ba meron tayo? Maiinis ka lang. Lahat ng parte ng katawan mo pagpapawisan.


Sa Commonwealth.

Nagkikislapan ang liwanag sa kahabaan ng kalsada. Ang kadiliman ng gabi ay di mo papansinin. Ang ingay ng bawat busina ay tila sumisigaw ng kalayaan. Haharurot, makikipag-unahan ang mga sasakyan para bang di makakarating sa pupuntahan. 

Kuha noong Disyembre 10, 2013 sa Circle, Commonwealth, Q.C. 

Friday, February 15, 2013

SUNGKA


Habang ang mundo'y umuunlad... ang tao'y di makasabay.. may mahirap... may mayaman... kung mag-DUWELO kaya tayo sa sungka... anu kaya ang mapapala...

ANG KATAHIMKAN NG DAGAT


Ang katahimikan ng dagat na animo'y may katiwasayan... ngunit ang paglalayag ng mangingisda ay puno ng kalungkutan... katulad ng mga isdang tila nakakulong sa BILIBID NG KARAGATAN...

isang takip silim

sa isang bayan ng CAVITE... ang paglubog ng araw ay tila naghahatid ng kagandahan.. habang ang mama'y naghahalukay ng pagtangis ng karagatan... sa araw araw.. sa tuwing dapit hapon ng hanging amihan... ang basura sa dako roo'y humahalik sa labi ng karagatan...

sa bangketa ng C3 ROAD ng KALOOKAN, Pebrero 9, 2013

SA PAGLALARO NG MGA BATA...

Maglalaro ang mga bata... hanggang sa dulo'y may mabubuong pangarap... hanggang ang paglalaro ay magiging isang pangarap... magpapawis.. magpapagod... hanggang ang pagod ay hahabi ng isang pangarap ng isang batang kinalimutan na ang pagkamusmus,,...